Thursday, January 27, 2022

Erik Santos, proud at suportado sa pagbubuntis ng aktres na si Angeline Quinto!

0

Erik Santos, proud sa kanyang malapit na kaibigan na si Angeline Quinto.

Hindi man nagkatuluyan ang matagal ding na-link sa isa’t-isa na sina Angeline at Erik, masaya naman sila para sa isa’t-isa.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na malapit na magkaibigan ang dalawa na kapwa singers ng Kapamilya channel. Sa katunayan, nali-link pa nga sila noon dahil iba ang kanilang closeness.

Nakakalungkot man sa ibang fans na hindi nagkatuluyan ang dalawa, mukhang proud Ninong naman ang peg ng male singer ngayon.

Sa larawan na naka upload mismo sa Instagram account ni Erik, makikita ang larawan nila na kuha sa backstage.

May picture si Angge at Erik na magkasama at ang isa naman ay nakadikit ang tenga ni Erik sa tiyan ng female singer na tila pinapakinggan ang baby sa loob.

Nakaktawang caption naman niya, “Ge, narinig ko sabi nya… Mommy, patuloy ang pangarap.”

Patuloy Ang Pangarap ay ang kanta ni Angeline na sumikat noon.

Marami naman ang natuwang fans nina Angge at Erik dahil mukhang supportive friend at proud ninong siya para sa kanyang kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by eriksantos (@eriksantos)

The post Erik Santos, proud at suportado sa pagbubuntis ng aktres na si Angeline Quinto! appeared first on Pilipinas Trending.


Author Image

About admin
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment